-- ADVERTISEMENT --

Isang lindol na may lakas na magnitude 8.7 ang tumama sa silangang baybayin ng Kamchatka, Russia, alas-7:25 ng umaga, Hulyo 30, 2025.

Ayon sa PHIVOLCS, inaasahang makararanas ng bahagyang pagtaas ng tubig (mas mababa sa 1 metro) ang mga baybayin sa Pilipinas na nakaharap sa Pacific Ocean bunsod ng tsunami wave sa pagitan ng 1:20 PM hanggang 2:40 PM.

Pinapayuhan ang mga residente na maging handa sa bugso ng alon sa dalampasigan ng 22 lalawigan kabilang ang Batanes Group of Islands, Albay, Dinagat Islands, Cagayan, Sorsogon, Surigao del Norte, Isabela, Catanduanes, Surigao del Sur, Aurora, Northern Samar, Davao del Norte, Quezon, Eastern Samar, Davao Oriental, Camarines Norte, Leyte, Davao Occidental, Camarines Sur, Southern Leyte, Davao del Sur, Davao de Oro.

Ang mga may bangka ay dapat na itong isecure o panatilihin sa malalim na bahagi ng dagat. Mananatili ang abiso hanggang sa ito’y kanselahin ng PHIVOLCS.

-- ADVERTISEMENT --