-- ADVERTISEMENT --

Gujarat, India – Siyam katao ang kumpirmadong nasawi matapos bumagsak ang bahagi ng isang tulay sa Mahisagar River sa Vadodara district, Gujarat, India.

Ayon sa mga opisyal, ilang sasakyan ang nahulog sa ilog mula sa Gambhira Bridge, na itinayo pa noong 1985.

Isinasagawa pa rin ang rescue operation, habang lima naman ang naiulat na sugatan.

Ayon kay Gujarat Health Minister Rushikesh Patel, patuloy ang paghahanap sa posibleng mga nakaligtas sa nasabing insidente.

Nagpaabot ng kalungkutan at pakikiramay si Prime Minister Narendra Modi sa kaanak ng mga nasawi.

-- ADVERTISEMENT --

Matagal nang may problema ang ilang imprastruktura sa India na nagdudulot ng mga sakuna tulad ng pagkasira ng mga tulay.

Noong 2022, isang lumang tulay din sa Gujarat ang bumagsak na kumitil ng 132 buhay.