-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ni UK Prime Minister Keir Starmer ang planong magpatupad ng nationwide digital ID na layong pigilan ang ilegal na migrasyon.

Ang ID ay gagamitin bilang patunay ng karapatang magtrabaho sa bansa upang hindi makahanap ng trabaho ang mga walang legal na pananatili.

Ayon sa pamahalaan, magagamit din ang digital ID para mapadali ang aplikasyon sa mga serbisyo gaya ng lisensya sa pagmamaneho, childcare, welfare, at access sa tax records.

Hindi ito obligadong dalhin palagi at ilalagay lamang sa mga mobile phone, ngunit magiging mandatory kapag ginagamit bilang patunay ng karapatang magtrabaho.

Mariing tinutulan ito ng oposisyon, kabilang ang Conservatives, Liberal Democrats, at Reform UK, na nagsabing nagbabantang malabag ang privacy at kalayaan ng mga mamamayan.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunpaman, lumalabas sa mga survey na karamihan sa publiko ay pabor sa digital ID.

Maglulunsad ng public consultation ngayong taon upang makuha ang opinyon ng iba’t ibang sektor, kabilang ang mga matatanda at walang akses sa teknolohiya.