Israel PM Netanyahu, nangako nga igapadayon ro pagsukoe sa Hezbollah ag paggapi sa Hamas hasta sa mangin madinaugon
-- ADVERTISEMENT --

Binatikos ni Francesca Albanese, United Nation special rapporteur on the human rights situation na sumasaklaw sa Palestinian territory, ang mga bansang Italy, France, at Greece sa pagpapahintulot kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na lumipad sa kanilang airspace patungong Estados Unidos, sa kabila ng utos ng pag-aresto mula sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Albanese, bilang mga kasapi sa Rome Statute na bumuo sa ICC, dapat ay inaresto ng mga naturang bansa si Netanyahu bilang isang pinaghihinalaang lumabag sa batas pang-internasyonal kaugnay ng mga krimen laban sa sangkatauhan sa Gaza.

Aniya, ang kanilang ginawang ligtas na daan para kay Netanyahu ay paglabag sa obligasyong pandaigdig at isang banta sa internasyonal na kaayusan.

Noong nakaraang taon, naglabas ng arrest warrant ang ICC laban kay Netanyahu at dating Israeli defense minister Yoav Gallant.

Sa kabila nito, nagpatuloy si Netanyahu sa mga biyahe abroad, kabilang ang kamakailang pagbisita sa US upang makipagkita kay Pangulong Donald Trump.

-- ADVERTISEMENT --

Ilang bansa sa EU ang hati ang opinyon tungkol sa bisa ng warrant.

Ayon sa France, may immunity si Netanyahu, habang ang Italy naman ay nagpahayag ng mga pagdududa ukol sa legalidad ng warrant.