Draft resolution nga naga-demand sa Israel nga tuldukan ro pag-akupa sa Palestine territory sa sueod it 12 buean, gintaeakay it UN General Assembly
-- ADVERTISEMENT --

Muling ibinalik ng United Nations ang arms embargo at iba pang parusa laban sa Iran dahil sa umano’y paglabag nito sa kasunduang nuklear noong 2015.

Ang hakbang ay pinangunahan ng Britain, France, at Germany matapos akusahan ang Tehran na patuloy na sumusubok gumawa ng sandatang nuklear isang bagay na mariing itinatanggi ng Iran.

Epektibo ang muling pagpapatupad ng mga parusa noong Linggo, kabilang na ang mga desisyon ng UN Security Council mula 2006 hanggang 2010.

Ayon sa tatlong bansa sa Europa, inaasahan nilang tutupad ang Iran at iba pang estado sa mga resolusyong ito.

Kumpirmado ng European Union na agad nitong ipapatupad ang lahat ng naunang tinanggal na parusa, habang tinawag ng Israel ang desisyon bilang “mahalagang hakbang” upang pigilan ang pagkakaroon ng sandatang nuklear ng Iran.

-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala naman ang Iran na matindi ang magiging tugon nito laban sa muling pagpataw ng mga parusa, bagay na nagdaragdag ng tensyon sa Gitnang Silangan.