-- ADVERTISEMENT --

Magpapatuloy sa araw ng Lunes ang imbestigasyon ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan upang matukoy kung anong uri ng kemikal ang nalanghap ng mga estudyante mula sa dalawang paaralan sa Sibalom, Antique na naging dahilan ng pagkahilo at pagsusuka ng mga ito, umaga ng Miyerkules, Hulyo 3, 2025.

Ito ang sinabi ni Broderick Train, head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Antique matapos na ang findings  sa initial investigation ay acute chemical inhalation injury ang tumama sa halos  400 mga mag-aaral base sa huling record.

Patuloy aniya ang kanilang pagkalap ng samples ng mga expert partikular ang mga toxicologist mula sa Department of Health (DOH) Region 6 para matukoy ang kemikal o substance na posibleng naging dahilan ng insidente.

Sinasabing aabutin pa ng isang linggo bago matukoy ang wastong kemikal na nalanghap ng mga biktima.

Sinimulan na rin ng DOH region 6 ang ocular inspection at nakakuha ang mga ito ng sample sa paligid para sa kanilang pagsusuri.

-- ADVERTISEMENT --

Nitong araw ng Biyernes, karamihan sa mga biktima ay ni-refer na sa out patient department ngunit may ilan pa rin na bumabalik ang sintomas.