-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala ang US na posibleng magpatupad ng mas mataas na secondary tariffs laban sa India kung mabigo ang pag-uusap nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin sa Alaska sa araw ng Biyernes hinggil sa pagpapahinto ng digmaan sa Ukraine.

Ayon kay US Treasury Secretary Scott Bessent, nakasalalay ang desisyon sa magiging resulta ng pulong.

Nitong buwan, nagpatong na si Trump ng kabuuang 50% taripa sa India dahil sa patuloy nitong pagbili ng langis at armas mula Russia, na umabot na sa 35–40% ng kabuuang oil imports ng India ngayong 2024.

Binigyang-diin ni Trump na layunin ng mga taripa na palakasin ang ekonomiya ng Amerika at gawing patas ang kalakalan.

Ngunit ayon sa mga eksperto, ang bagong taripa ay halos katumbas ng embargo na posibleng magpabagsak ng paglago ng ekonomiya ng India ng hanggang 0.5%.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, muling bubuksan ang negosasyon sa kalakalan ng dalawang bansa sa Agosto 25, ngunit nananatiling hadlang ang pagtanggi ng India na bawasan ang taripa sa produktong agrikultural at dairy.