Naniniwala si Atty. Harry Sucgang, political analyst sa Aklan na may nilabag si US President Donald Trump matapos na isagawa ang pag-aresto kay Venezuelan President Nicolas Maduro kasama ang kanyang asawang si Cilia Flores, gabi ng Sabado, Enero 3 sa Caracas.
Ayon sa kanya na nilabag ng Estados Unidos ang ilang “terms” sa United Nations o UN Charter na nilagdaan noong 1945.
Sa ilalim aniya ng nasabing probisyon, ang mga bansa ay hindi dapat maggamit ng “military forces” laban sa ibang bansa, bilang pagrespeto sa kanilang soberenya.
Layunin din ng probisyon sa UN charter na wakasan at pigilan ang mga posibilidad ng panibagong pandaigdigang giyera.
Dagdag pa niya na hindi magandang halimbawa ang ginawa ng US sa mga maliit na bansa.
Katulad umano sa nangyayare na tensyon ngayon sa gitna ng China at Taiwan kung saan ayaw ng Taipei na magpasailalim sa kontrol ng Beijing.
Dapat umanong ang US ang kinakailangan na mag-“lead by example” at nag-me-maintain nga demokrasya sa buong bansa.
Duda niya na target ng US ang oil reserves ng Venezuela dahil sa nararanasan na bagsak na ekonomiya ng Amerika.













