-- ADVERTISEMENT --

Nagpasya ang Supreme Court of the United States na walang awtoridad si Pangulong Donald Trump na magpatupad ng malawakang taripa nang walang pahintulot ng Kongreso, sa botong 6-3.

Binigyang-diin ng korte na ang kapangyarihang magpataw ng taripa ay nasa Kongreso at hindi saklaw ng International Emergency Economic Powers Act ang ganitong lawak ng kapangyarihan ng pangulo.

Kasunod ng desisyon, inihayag ni Trump ang planong gumamit ng ibang batas upang magpatupad ng bagong 10% global tariff. Gayunman, mas limitado at mas matagal ang prosesong ito.

Nagbukas din ang hatol ng posibilidad na isauli ang bahagi ng nakolektang kita mula sa mga taripa. Itinuturing ang desisyon bilang malaking hadlang sa malawak na paggamit ng kapangyarihang ehekutibo ng pangulo at maaaring makaapekto sa patakaran sa kalakalan ng Estados Unidos.