
Sinabi ni Pangulong Donald Trump na napatalsik at nadakip si Pangulong Nicolas Maduro ng Venezuela matapos magsagawa ang Estados Unidos ng malawakang airstrike laban sa bansa nitong Sabado.
Ayon kay Trump, si Maduro at ang kanyang asawa ay nahuli at agad na inilabas ng Venezuela.
Ito ang unang direktang interbensyong militar ng US sa Latin America mula noong 1989, nang pabagsakin si dating lider ng Panama na si Manuel Noriega.
Matagal nang inaakusahan ng Washington si Maduro ng pamumuno sa isang “narco-state” at pandaraya sa eleksyon noong nakaraang taon, akusasyong mariing itinanggi ng lider ng Venezuela.
Samantala, sinabi ng gobyerno ng Venezuela na may mga sibilyan at miyembro ng militar na nasawi sa mga pag-atake ng US, bagama’t hindi nagbigay ng tiyak na bilang.
Matagal nang sinasabi ni Maduro na layon ng US na kontrolin ang malalaking reserba ng langis ng kanyang bansa, na pinakamalaki sa buong mundo.











