Terminal D at Philadelphia International Airport Mar. 22, 2021, as PHL and its biggest carrier, American Airlines, receive new stimulus funding, one year into the pandemic.
-- ADVERTISEMENT --

Binawasan ng Korean Embassy ang mga kinakailangan sa aplikasyon ng visa sa pamamagitan ng pagtanggal sa pangangailangang magsumite ng tatlong buwang bank statements.

Ayon sa Korean Visa Application Center (KVAC), layunin ng hakbang na ito na gawing mas maginhawa ang proseso at hikayatin ang pagbisita sa South Korea. Maaari nang magsumite ang mga estudyante ng orihinal na School Certificate o kopya ng kanilang Student ID.

Hindi na rin kailangan ang explanation letter para sa employment-related documents kung walang landline number o kung may electronic signature ang dokumento, basta may ibang maaring kontakin tulad ng email o mobile number.

Para sa karaniwang dokumento tulad ng invitation letters, family papers, at company-related documents ng maraming aplikante, sapat na ang isang kopya na ikinakabit sa file ng representative applicant.

-- ADVERTISEMENT --