-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag ng matinding pagkabahala si Vice President Sara Duterte matapos umanong matagpuan ang kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, na walang malay sa loob ng kanyang selda sa International Criminal Court (ICC) detention center sa The Hague.

Ayon kay Sara, hindi ipinaalam sa pamilya ang insidente at binatikos niya ang umano’y kapabayaan ng ICC sa pagbibigay ng agarang atensyong medikal, kabilang ang simpleng kondisyon gaya ng ingrown toenail.

Giit niya, hindi makatarungan at “di-makatao” ang patuloy na pagkakakulong ng kanyang ama na 80 anyos na at may mahinang kalusugan.

Idiniin ng pangalawang pangulo na hindi banta sa mga testigo o sa kaso ang dating pangulo at walang dahilan upang patuloy itong ikulong.

Nanawagan siya sa ICC na tiyakin ang wastong pag-aalaga at makataong konsiderasyon para kay Duterte, na nahaharap sa tatlong kasong crimes against humanity kaugnay ng giyera kontra droga.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ng ICC na ang mga konsular visit ay isinasagawa lamang kapag may pahintulot ng detainee at ayon sa pandaigdigang pamantayan.