-- ADVERTISEMENT --

Ipinagdiinan ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque na kalokohan lamang aniya ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo, sinabi nito na walang batayan at labag ito sa saligang batas dahil sa pang apat na itong impeachment case na isinampa laban sa bise presidente.

Binigyan-diin ni Atty. Roque na tapos na ang 19th Congress at hindi na dapat maipagpatuloy pa sa pagbubukas ng 20th Congress.

Nabatid na marami ang nag-aabang lalo na ang mga complainant sa magiging kahihinatnan ng impeachment proceedings sa pagsisimula ng 20th Congress.

Isa sa mga inaabangan ay kung sino-sino ang mga senator-judges na tatalakay sa kaso at kung may mangyayaring impeachment trial bago magpalabas ng desisyon ang impeachment court.

-- ADVERTISEMENT --

Maaalalang sa pagtapos ng 19th Congress ay walang nangyaring paglilitis kay VP Sara dahilan ng pag-alburoto ng mga complainant at kaliwa’t kanan ang mga nagparating ng kanilang sentimyento at komento.

Sa ngayon ayon pa kay Atty. Roque ay kahit nasa The Hague siya pansamantalang nananatili ay nakaabang pa rin ito sa mga mangyayari sa Pilipinas kasabay ng kaniyang pagbabantay sa dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pakikipaglaban sa karapatan nito bilang Pilipino lalo na’t nahaharap ito sa kasong crimes against humanity na naging dahilan ng kaniyang pansamantalang pagkapiit sa detention facility ng International Criminal Court (ICC).