-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak ng Malacañang na walang pagtatakip sa kaso ng mga nawawalang sabungeros, kasunod ng pagkakakita ng mga buto sa Taal Lake, kung saan diumano itinapon ang mga biktima.

Sa isang press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na nais ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matukoy kung ang mga natagpuang kalansay ay may kaugnayan sa mga nawawalang sabungeros. Aniya, walang cover-up na mangyayari at patuloy ang imbestigasyon.

Ipinahayag din ni Castro na kung mapapatunayan na may kaugnayan ang mga labi sa mga nawawalang sabungeros, tutulong ang administrasyon upang makamtan ng mga pamilya ng biktima ang hustisya.

Ang paghahanap ng Department of Justice (DOJ) at Philippine Coast Guard sa Taal Lake ay nagsimula matapos magbigay ng pahayag ang whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan na itinapon ang mga biktima sa lawa. Ang mga natagpuang buto ay kasalukuyang isinailalim sa pagsusuri ng mga eksperto