Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa posibilidad ng malawakang pagkalat ng chikungunya virus sa buong mundo.
Ayon sa WHO, nakikita nila ang parehong senyales ng outbreak noong 2004 hanggang 2005 kung saan halos kalahating milyong katao ang naapektuhan. Nitong 2025, naitala ang mga major outbreak sa mga isla ng Reunion, Mayotte at Mauritius, kung saan tinatayang one third ng populasyon ng Reunion ang nahawa na.
Ang chikungunya ay isang sakit na dala ng lamok na nagdudulot ng lagnat at matinding pananakit ng kasukasuan na maaaring ikamatay.
Naitala na rin ang pagkalat ng virus sa Madagascar, Somalia, Kenya, South Asia at ilang bahagi ng Europa gaya ng France at Italy.
Dahil dito, nanawagan ang WHO sa mga bansa na agad maghanda, magpatupad ng surveillance at hikayatin ang publiko na gumamit ng mosquito repellent at linisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.