-- ADVERTISEMENT --

Inihayag ni dating One Direction member Zayn Malik na hindi siya kailanman “in love” kay supermodel Gigi Hadid, bagamat may emosyonal siyang attachment sa kanya. Sa panayam sa Call Her Daddy, ipinaliwanag ni Zayn na noon ay maaaring inisip niyang pag-ibig ang naramdaman, ngunit habang siya’y nagmature, napagtanto niyang maaaring pagkahumaling lamang ito.

Patuloy niyang minamahal si Gigi bilang ina ng kanilang limang taong gulang na anak na si Khai at may mataas na respeto sa kanya. Sa kasalukuyan, mas pinapahalagahan niya ang pagiging single at kalayaan, at sinabi rin niyang seryoso lamang ang magiging partner na ipakikilala niya kay Khai.

Naghahanda si Zayn sa paglulunsad ng kanyang bagong album na Konnakol sa Abril 17 at sa kanyang unang headline arena at stadium tour sa Mayo. Si Gigi naman ay kasalukuyang may relasyon sa aktor na si Bradley Cooper.