epa08410054 A handout photo made available by the Ukrainian presidential press service of Ukrainian President Volodymyr Zelensky (C) and other officials carrying candles to a memorial monument named ‘Ukraine – to liberators’ in the small city of Milove, which is placed on a border with Russia in Luhansk region, Ukraine, 08 May 2020. People of former USSR countries will celebrate the 75th anniversary of the victory over Nazi Germany in World War II on 09 May 2020. EPA/PRESIDENTIAL PRESS SERVICE / HO HANDOUT EDITORIAL USE ONLY/NO SALES
-- ADVERTISEMENT --

Inakusahan ni Ukrainian Pres. Volodymyr Zelensky ang Russia ng paglabag sa tigil-putukan matapos umano ang sunod-sunod na drone at missile attacks sa iba’t ibang bahagi ng Ukraine, kabilang ang mga sibilyang lugar at front line.

Sa rehiyon ng Sumy, isang babae ang nasawi matapos tamaan ang isang kindergarten, ayon sa lokal na awtoridad, habang wala namang mga bata sa loob ng gusali nang mangyari ang insidente.

Nauna nang nag-anunsyo ang Russia at Ukraine ng magkahiwalay na unilateral ceasefire, ngunit walang malinaw na kasunduan sa pagpapatupad nito. Ipinanukala ng Moscow ang tigil-putukan kaugnay ng Victory Day, habang nagdeklara naman ang Kyiv ng sarili nitong walang takdang ceasefire.

Sa kabila ng mga deklarasyon, nagpatuloy ang labanan at mga pag-atake sa iba’t ibang lugar sa Ukraine, na nagresulta sa mga sibilyang nasawi at patuloy na paglala ng tensyon sa pagitan ng dalawang panig.