-- ADVERTISEMENT --

Labing-apat ang nasawi, kabilang ang 11 kawani ng bilangguan, isang pulis, at dalawang sibilyan, matapos magbanggaan ang isang police van at prison bus sa bayan ng Mariental, 270 kilometro sa timog ng kabisera na Windhoek, nitong Sabado.

Ayon kay Pangulong Netumbo Nandi-Ndaitwah, tatlo pang prison officer ang kritikal ang lagay.

Nagpahayag siya ng pakikiramay at pagpupugay sa mga biktima.

Ayon sa Ministry of Home Affairs, 19 katao ang sakay ng dalawang sasakyan.

Nanawagan din ang pamahalaan na huwag ipakalat ang mga larawan at video ng insidente bilang paggalang sa mga pamilya ng nasawi.

-- ADVERTISEMENT --

Tutulong ang Motor Vehicle Accident Fund sa gastusin sa pagpapalibing at gamutan ng mga biktima.

Kilala ang Namibia bilang isa sa mga bansang may pinakamataas na bilang ng pagkamatay sa aksidente sa kalsada sa buong mundo.