-- ADVERTISEMENT --

Tinanggal sa puwesto ang 17 pulis, halos kalahati ng tauhan ng Dolores Municipal Station sa Eastern Samar, matapos umanong mag-inuman sa loob ng police station sa kanilang Christmas party.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Analoza Catilogo-Armeza ng PNP Regional Public Information Office sa Eastern Visayas, naging viral ang insidente sa social media.

Ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa loob ng police station.

Kasama sa inalis ang hepe ng istasyon at isang non-uniformed personnel.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Catilogo-Armeza, magkakaroon ng reassignment ng mga tauhan upang mapalitan ang mga inalis.