-- ADVERTISEMENT --

Tatlong katao ang nasa kritikal ngunit matatag na kondisyon matapos ang pambihirang pag-atake ng mga bubuyog sa bayan ng Aurillac noong Linggo, kung saan 24 katao ang nasugatan.

Ayon sa mga ulat, kabilang sa mga biktima ang isang 78-anyos na babae na tadtad ng 25 kagat at kinailangang i-resuscitate matapos ang cardiorespiratory arrest.

Agad namang nagtayo ng harang ang mga pulis at bombero habang tinawag ang isang beekeeper para paamuhin ang mga bubuyog gamit ang usok.

Pinaniniwalaan ng alkalde na maaaring nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga bubuyog at Asian hornets, ngunit ayon sa mga eksperto, posibleng sanhi ng insidente ang sobrang dami ng mga bubuyog sa pugad na nagdulot ng agresibong kilos.