-- ADVERTISEMENT --

Umaabot sa 300 hanggang 400 Pilipino ang nasasawi taun-taon dahil sa rabies, habang tinatayang 4 na milyong kaso ng kagat ng hayop ang naitatala bawat taon sa bansa.

Binibigyang-diin ng mga eksperto ang kahalagahan ng mas malawak na kaalaman ng publiko at regular na pagbabakuna ng mga alagang hayop, dahil maaari ring magmula ang rabies sa mga alagang aso at pusa na hindi nabakunahan, hindi lamang sa mga asong gala.

Pinapayuhan ang mga nakagat o nakalmot ng hayop na agad hugasan ang sugat at magpatingin sa Animal Bite Center para sa tamang bakuna, dahil 100 porsiyentong nakamamatay ang rabies kapag lumabas na ang sintomas ngunit maaari itong maiwasan kung maagapan.

Hinihikayat din ang mga lokal na pamahalaan at mamamayan na pairalin ang responsableng pag-aalaga ng hayop at palakasin ang vaccination programs upang mapigilan ang pagkalat ng rabies.