Naitala ang siyam na missing, at anim ang narescue, matapos tamaan ng avalanche sa Castle Peak, Lake Tahoe, California. Ang insidente ay naganap sa huling araw ng tatlong araw na backcountry skiing trip.
Ipinadala ang rescue teams mula sa Boreal Mountain Ski Resort at Alder Creek Adventure Center, habang dalawa sa mga nailigtas ay dinala sa ospital. Ayon sa Sierra Avalanche Center, mataas ang panganib ng avalanche (rating 4 sa 5), at ang naitalang avalanche ay D2.5, na maaaring magdulot ng pinsala o kamatayan.
Mabagal at delikado ang rescue operation dahil sa panganib sa mga rescuers. Nakikipagkoordina ang estado sa local emergency teams para sa malawakang search-and-rescue. Sarado rin ang Boreal Mountain Ski Resort at ilang pangunahing daan dahil sa malakas na hangin at mababang visibility.













