-- ADVERTISEMENT --

Inirekomenda ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang pagpapababa sa alert level sa Israel na kasalukuyang nasa ilalim ng repatriation phase, kasabay ng pagbabalik ng normal na pamumuhay sa bansa kasunod ng pagtatapos ng 12-day military campaign laban sa Iran.

Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Germinia Aguilar-Usudan.

Ang Alert Level 2 ay nangangahulugang restriction phase, kung saan ipinagbabawal pa rin ang mga bagong deployment.

Ayon sa kanya, malabo pa sa ngayon ang tuluyang pag-aalis ng alert at kailangang hinay-hinay lang, kung saan kailangan pang obserbahan ng Pilipinas ang mga pangyayari sa nasabing bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Aguilar-Usudan na umaasa ang Pilipinas na magpapatuloy ang ceasefire deal sa pagitan ng Israel at Iran.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose De Vega na kapwa iniulat nina Philippine Ambassador to Israel Aileen Mendiola at Philippine Ambassador to Iran Roberto Manalo ang pagbabalik sa normal ng sitwasyon sa kani-kanilang nasasakupan.

Matatandaan na tinapos na ng Israel ang kanilang state of emergency matapos ideklara ang “historic victory” sa kanilang Operation Rising Lion, na nagpahina sa ilang Iranian nuclear sites.