-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Ikinababahala ng environmentalist na si David D’Angelo ang kakulangan ng transparency sa panukalang kasunduan sa ilalim ng Pax Silica, dahil hanggang ngayon ay hindi pa malinaw sa publiko ang mga probisyon at kondisyong nakapaloob dito.

Dahil dito, nanawagan siyang pansamantalang ipatigil ang pagpapatupad nito hangga’t hindi lubusang naipapaliwanag ang detalye ng kasunduan.

Kinuwestiyon din niya kung sino ang tunay na makikinabang sa pagproseso at pag-export ng mga mineral—ang Pilipinas ba o ang pandaigdigang merkado.

Nagbabala rin si D’Angelo na posibleng magamit lamang ang bansa sa geopolitical interests ng Estados Unidos at China.

Binigyang-diin niyang hindi kailangan ang Pax Silica upang mapaunlad ang lokal na pagproseso ng mineral, dahil may mga kumpanyang may kakayahan dito na nangangailangan lamang ng sapat na pondo at suporta ng pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --