-- ADVERTISEMENT --
Nagpahayag ng kahandaan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumulong sa posibleng pagpapalikas ng mga Pilipinong apektado ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Ayon kay AFP Chief General Romeo Brawner Jr., may nakahanda nang contingency plan ang militar na tatawaging non-combatant evacuation operation para sa mga kababayan na nais umuwi sa bansa.
Kasama sa mga ipapakalat kung kinakailangan ang mga C-130 transport aircraft at mga barko ng AFP para sa evacuation mission.
Ang anunsyo ay kasunod ng pagkamatay ng isang Filipina caregiver sa Israel matapos ang missile attack mula sa Iran. Ayon sa AFP, may karanasan na ang kanilang hanay sa ganitong operasyon, na isinagawa na rin sa mga nakalipas na dekada sa parehong rehiyon.