-- ADVERTISEMENT --

MAKATO, Aklan — Suspendido ang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Makato ngayong Biyernes, Nobyembre 27, 2026, kaugnay ng pormal na pagbubukas ng Makato Ati-Atihan Festival 2027.

Alinsunod ito sa Executive Order No. 04, Series of 2026, na inilabas ng Lokal na Pamahalaan ng Makato upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng Opening Salvo ng kapistahan.

Tampok sa Opening Salvo ang Opening of Lights Ceremony, parada ng mga kalahok sa Paliga sa Banwa at iba’t ibang Ati-Atihan tribes, na susundan ng fireworks display.

Kasabay nito, magbubukas din ang Food Festival na tatagal hanggang Enero 15, 2027. Tampok din ang pagpapakilala sa Ginoo at Bb. Makato 2027 candidates at ang Makato Music Fest.