-- ADVERTISEMENT --

CHRISTMAS ISLAND, Australia — Nagsimula na ang taunang migrasyon ng milyun-milyong pulang alimango sa Christmas Island, Australia, kung saan naglalakbay ang mga ito mula sa kagubatan patungo sa baybayin upang magparami.

Ayon sa Christmas Island National Park, nagsisimula ang paglalakbay kasabay ng unang pag-ulan sa panahon ng tag-ulan, karaniwang tuwing Oktubre o Nobyembre.

Nakabatay rin sa yugto ng buwan ang kanilang paglalakbay.

Tinitiyak ng mga alimango na maisagawa ang pangingitlog bago sumikat ang araw, kasabay ng paghupa ng high tide.

Upang maprotektahan ang mga ito, pansamantalang isinasara ang ilang kalsada sa isla.

-- ADVERTISEMENT --

Nagtayo rin ng tulay na may taas na 16 talampakan upang ligtas silang makatawid sa mga abalang lansangan.

Nag-aalok naman ang pamunuan ng parke ng isang oras na livestream araw-araw upang mapanood ng publiko ang kakaibang likas na pangyayaring ito.

Taun-taon, dinarayo ng mga turista ang isla upang masaksihan ang milyon-milyong pulang alimango sa kanilang paglalakbay patungo sa dagat.