-- ADVERTISEMENT --
Iniimbestigahan ng Devon Wildlife Trust sa England ang pagnanakaw ng isang pugad na naglalaman ng tinatayang 1,000 hanggang 5,000 bihirang langgam mula sa Chudleigh Knighton Heath nature reserve.
Ayon sa ahensya, ang mga ito ay narrow-headed ants, na itinuturing na pinakabihirang uri ng langgam sa bansa.
Ang naturang pugad ang huling natitirang pangunahing tirahan ng mga ito sa England.
Nagbabala ang mga opisyal na malaking pinsala ang maaaring idulot ng pagkawala ng isang pugad sa populasyon ng mga langgam, lalo na’t mayroon itong mga reyna na maaaring mabuhay nang hanggang 25 taon.
Nanawagan naman ang mga awtoridad sa sinumang may impormasyon tungkol sa nawawalang pugad na makipag-ugnayan sa pulisya ng Devon at Cornwall.
-- ADVERTISEMENT --













