-- ADVERTISEMENT --

Nagviral sa social media ang video na nagpapakita ng dalawang kabayong isinakay sandali sa isang pampublikong bus sa Detroit, Michigan, nitong Sabado.

Makikita sa video na pinangunahan ng dalawang lalaki ang mga kabayo papasok sa bus at inilabas din sa likurang pintuan.

Ayon kay Jordan Williams, co-founder ng Urban City Cowboys, humingi siya ng pahintulot sa drayber na ipasok ang kanyang mga kabayo bilang bahagi ng isang video matapos dumalo sa isang fundraising event.

Kinumpirma naman ng Detroit Department of Transportation (DDOT) na iniimbestigahan nila ang insidente dahil labag ito sa kanilang patakaran at maaari umanong magdulot ng panganib at hindi komportableng biyahe sa mga pasahero.

Umaasa naman si Williams na magiging magaan ang pagtingin ng mga awtoridad sa nangyari, na ikinatuwa at ikinagulat ng maraming netizen.

-- ADVERTISEMENT --