-- ADVERTISEMENT --
Nakabuo ang mga mananaliksik mula sa ETH Zurich sa Switzerland ng isang robotic hand na kayang maglakad gamit ang mga daliri nito nang walang tulong ng tao.
Gumamit ang research team ng machine learning upang matutunan ng robotic hand ang tamang koordinasyon at balanse habang gumagalaw.
Sa pamamagitan ng computer simulation, sinanay ito sa iba’t ibang galaw at sitwasyon.
Ipinakita rin sa mga video na kaya nitong gumalaw sa iba’t ibang uri gaya ng bumangon matapos matumba, magtulak ng mga bagay at gumamit ng computer keyboard.
Ayon sa mga mananaliksik, maaaring magamit ang teknolohiyang ito sa pagbuo ng mas madaling ibagay na mga robot, partikular sa mga masisikip at mahihirap pasuking lugar gaya ng mga disaster site.
-- ADVERTISEMENT --












