-- ADVERTISEMENT --

IDAHO, USA — Nagtala ng bagong Guinness World Record ang isang lalaki mula Idaho, United States matapos mag-isketing nang halos 20 milya o 31.8 kilometro habang sabay na pinapaikot sa ere ang tatlong bagay.

Si David Rush, na dati nang may ilang world record sa juggling, ay nagsagawa ng kanyang pagtatangka noong Oktubre 18, 2025 sa Boise Greenbelt.

Ayon kay Rush, isa ito sa pinakamahirap niyang hamon dahil kailangang mapanatili ang balanse, ritmo at konsentrasyon habang naka-inline skates.

Inabot din siya ng ilang buwang paghahanda bago ang pagtatangka.

Matagumpay siyang nakapaglakbay ng 31,816 metro o 19.77 milya bago tuluyang malaglag ang isa sa mga bola dahil sa pagkapagod.

-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma na ng Guinness World Records ang kanyang bagong rekord, na mahigit anim na beses na mas malayo kumpara sa dating naitalang record.