Nagsagawa ng malawakang disinfection drive ang mga lokal na pamahalaan gaya ng Marikina upang maiwasan ang pagkalat ng influenza-like illnesses (ILI) sa mga pampublikong lugar, partikular sa mga paaralan, kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng flu-like symptoms sa mga estudyante.
Kaugnay nito, sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang klase sa buong National Capital Region noong Oktubre 13–14 bilang pag-iingat. Sang-ayon dito ang ilang magulang at estudyante.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), mula Enero hanggang Setyembre 2025 ay naitala ang 121,716 kaso ng ILI — mas mababa ng 8% kumpara sa 132,538 kaso sa kaparehong panahon noong 2024. Kabilang sa mga karaniwang sintomas ng ILI ang ubo, sipon, lagnat, chills, at pananakit ng katawan.
Patuloy na pinapayuhan ng DOH ang publiko na maghugas ng kamay, umiwas sa matataong lugar, at panatilihin ang kalinisan upang makaiwas sa sakit.v