-- ADVERTISEMENT --

Iniimbestigahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkawala ng rebulto ni Dr. Jose Rizal sa Place Jose Rizal sa ika-9 arrondissement ng Paris.

Ayon sa DFA nitong Martes, posibleng tinanggal ang rebultong hanggang dibdib o bust ni Rizal sa pagitan ng Oktubre 25 ng gabi at Oktubre 26 ng umaga.

“The Department of Foreign Affairs, through the Philippine Embassy in Paris, regrets the disappearance of Dr. Jose Rizal’s bust, a significant monument for the Filipino community in France, located at Place Jose Rizal in Paris’ 9th arrondissement,” pahayag ng ahensya.

Samantala, hindi pa umano malinaw ang motibo sa likod ng pagkawala pero ipinaliwanag ng DFA na madalas na lantad sa vandalism, pagkasira, o pagnanakaw ang mga pampublikong monumento.

-- ADVERTISEMENT --

Naiparating na rin umano ng Philippine Embassy sa Paris ang insidente sa mga lokal na awtoridad at patuloy na rin ang imbestigasyon.

Unang itinayo ang bust at pedestal ni Rizal noong noong Hunyo 23, 2022, at itinuturing itong simbolo ng pagkakaibigan ng Pilipinas at France at pagpapahalaga sa pamana ng pambansang bayani.