KALIBO, Aklan—Nagsagawa ang Site Task Group Ati-fest 2026 ng initial deployment ng mga uniformed personnel upang magpatupad ng security at assistance sa mga paunang aktibidad may kaugnayan sa weeklong celebration ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2026 na itinuturing rin na Mother of All Philippine Festivals sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PSSgt. Leonilyn Artes, tagapagsalita ng Aklan Police Provincial Office (APPO), nasa 619 uniformed personnel na kinabibilangan ng mga tauhan mula sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, PNP Avaition Security Group, Hukbong Katihan ng Pilipinas-Bantay Laya at iba pa ang initial na idineploy sa mga strategic areas at maging sa festival zone.
Ang send off ceremony ay pinangunahan ni 𝗣𝗖𝗢𝗟 𝗔𝗿𝗻𝗲𝗹 𝗥𝗮𝗺𝗼𝘀, 𝗔𝗸𝗹𝗮𝗻 𝗣𝗣𝗢 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 at ni Kalibo mayor Juris Bautista gayundin si 𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗝𝗲𝗿𝗼𝗺𝗲 𝗩𝗲𝗹𝗮𝗿𝗱𝗲 na nanguna sa 𝗯𝗹𝗲𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗰𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆.
Ayon pa kay PSSgt. Artes, magkakaroon ng dagdag na augmentation forces mula sa Police Regional Office VI na aabot ng nasa 1,600 uniformed PNP personnel sa araw ng Lunes, Enero 12, 2026.
Sa kabuuan ay aabot sa humigit-kumulang 3,000 kabilang na iba pang force multipliers ang mahigpit na magpapatupad ng police presence, crowd control, traffic management, at mabilis na response measures na magtatagal hanggang Enero 18, 2026.













