-- ADVERTISEMENT --
Matapos ang mahigpit na 1-0 na pagkatalo laban sa host nation na Australia sa kanilang unang laro, nakatuon na ngayon ang Philippine women’s national football team sa laban kontra South Korea sa Cbus Super Stadium sa Gold Coast ngayong Huwebes.
Bagamat natalo, nakapaghain ng matibay na depensa ang Filipinas laban sa koponang ranked No. 15 sa mundo, sa tulong ng veteran goalkeeper na si Olivia McDaniel. Sa kabila ng dominasiyon sa possession ng Australia, nahirapang makalusot sa mababang depensa ng Filipinas ang host team.
Ang panibagong edisyon ng torneo ay magbibigay ng anim na puwesto para sa 2027 FIFA Women’s World Cup.













