-- ADVERTISEMENT --

Nagbalik sa entablado ng Coachella ang K-pop group na BIGBANG sa isang inaabangang performance bilang bahagi ng kanilang ika-20 anibersaryo.

Matapos maantala noong 2020, nagtanghal sina G-Dragon, Taeyang, at Daesung ng mahigit isang oras na set na tampok ang kanilang mga sikat na kanta, kabilang ang “BANG BANG BANG,” “Fantastic Baby,” at “Haru Haru,” pati na rin ang mga solo performances.

Tinapos ng grupo ang kanilang pagtatanghal sa “Still Life” at nagbigay pahiwatig ng mga paparating na proyekto, kabilang ang planong world tour para sa kanilang anibersaryo.