-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na walang Pilipinong seafarer na sakay ng cruise ship na MV Hondius ang nahawahan ng hantavirus sa kabila ng outbreak sa barko na ikinasawi ng tatlong pasahero.

Ayon sa DMW, nananatiling ligtas ang 38 Pilipinong crew members na kasalukuyang sakay ng barko na pinayagang dumaong malapit sa Canary Islands. Patuloy naman silang mino-monitor ng pamahalaan.

Iniulat na ang outbreak ay pangunahing nakaapekto sa ilang pasahero ng barko na bumiyahe mula Argentina isang buwan na ang nakalipas. Ilan sa mga pasahero ang isinugod sa ospital matapos magkaroon ng sintomas ng sakit.

Nakikipag-ugnayan na rin ang pamahalaan sa mga international health authorities kabilang ang World Health Organization upang masubaybayan ang sitwasyon at matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong tripulante.

Pinag-aaralan din ang ligtas na repatriation ng ilang crew members alinsunod sa international health protocols at medical clearance procedures.

-- ADVERTISEMENT --