-- ADVERTISEMENT --

Idineklara ng prosecution team mula sa House of Representatives na walang legal na batayan ang desisyon ng impeachment court ng Senado na i-remand ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Iginiit nila na hindi nilabag ng reklamo ang Saligang Batas.

Inilatag ng prosekusyon ang kanilang posisyon sa pormal na “submission” na isinumite ni House Records Management Service Director Billy Uy sa impeachment court nitong Miyerkules ng hapon. Ang impeachment court ay magpapasya kung ididismiss ang kaso laban kay Duterte sa pamamagitan ng simpleng mayorya o hindi bababa sa 13 boto.

Ayon kay Senate President at Impeachment Court Presiding Officer Francis Escudero, ang anumang mosyon ukol dito ay kailangang mapagdesisyunan batay sa boto ng simpleng mayorya ng Senado.