-- ADVERTISEMENT --
Hindi dumalo ang negosyanteng Charlie “Atong” Ang sa isinagawang preliminary investigation ng Department of Justice kaugnay ng kaso ng mga nawawalang “sabungero” sa Manila Arena.
Muling binuksan ang imbestigasyon matapos ang kahilingan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group batay sa affidavit ng isang testigo na tumukoy sa mga dating hindi nakikilalang suspek.
Layunin ng muling imbestigasyon na matukoy ang mga “John Doe” na sangkot sa kaso habang nagpapatuloy ang paglilitis sa korte laban sa mga naunang pinangalanang akusado.
Nanatiling may mga nakabinbing warrant of arrest laban kay Ang at patuloy itong pinaghahanap ng mga awtoridad.













