-- ADVERTISEMENT --
MANADO, Indonesia — Nasunog ang pampasaherong barkong KM Barcelona 5 sa karagatan malapit sa isla ng Talise, North Sulawesi noong Linggo.
Ayon sa mga awtoridad, hindi bababa sa lima ang nasawi, kabilang ang isang buntis, habang higit 280 pasahero at crew ang nailigtas.
Patungo sanang Manado ang barko mula Talaud nang mangyari ang insidente.
Tatlong barkong pandigma at ilang mangingisda ang tumulong sa pagsagip.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog habang nagpapatuloy ang rescue efforts.
-- ADVERTISEMENT --