-- ADVERTISEMENT --

Malaki ang itinaas ng bilang ng mga Filipino na may hypertension sa edad 30–79, mula sa mas mababa sa 10 milyon noong 2000 hanggang 16.8 milyon noong 2024, at inaasahang aabot sa 20 milyon pagsapit ng 2030, ayon sa World Health Organization. Isa sa tatlong Pilipino sa nasabing edad ang may mataas na presyon ng dugo, ngunit 19 porsyento lamang ang may kontrol sa kondisyon.

Panganib sa hypertension ang hindi malusog na pagkain, labis na timbang, kakulangan sa ehersisyo, paninigarilyo, labis na pag-inom ng alak, stress, at kakulangan sa tulog. Madalas ding hindi sinusunod ng pasyente ang reseta ng doktor, at mapanganib ang paggamit ng herbal supplements bilang pamalit sa gamot.

Pinayuhan ni Dr. Guanzon ang publiko na kumain nang masustansya, mag-ehersisyo, umiwas sa paninigarilyo at alak, matulog nang 7–8 oras kada gabi, at regular na subaybayan ang presyon ng dugo, cholesterol, asukal, timbang, at waistline. Dapat ding sundin ang reseta ng doktor at huwag itigil ang gamot nang walang konsultasyon.