-- ADVERTISEMENT --
Napasama ang P-pop group na BINI sa mga nominado para sa International Group/Duo of the Year sa SEC Awards 2026, ayon sa anunsyo noong Abril 20.
Makakalaban nila ang ilang kilalang international acts tulad ng BLACKPINK, BTS, Le Sserafim, Monsta X, at KATSEYE, kasama rin ang BE:FIRST.
Ito ang unang nominasyon ng BINI sa naturang award-giving body, samantalang tuloy-tuloy ang nominasyon ng SB19 mula 2022 at may tatlong panalo na.
Kasabay nito, patuloy ring nakakamit ng BINI ang mga international milestone, kabilang ang pagtatanghal sa Coachella Valley Music & Arts Festival at paglahok sa mga global music events tulad ng sa GRAMMY Museum at Billboard Women in Music.













