
-- ADVERTISEMENT --
Patuloy ang pag-angat ng BINI sa international scene matapos ang makasaysayang pagtatanghal sa Coachella at iba pang global engagements.
Nagtanghal ang grupo sa GRAMMY Museum, tumanggap ng parangal sa Billboard Women in Music, at lumabas sa Good Day LA bilang bahagi ng kanilang international run.
Ibinahagi rin ng grupo ang layuning makilala sa Grammy Awards at makapagtanghal sa Super Bowl halftime show.
Kasabay nito, naghahanda ang BINI para sa kanilang “BINI Signals World Tour 2026” na magdadala sa kanila sa iba’t ibang bansa sa Asya, Europa, at Hilagang Amerika.












