-- ADVERTISEMENT --

Hindi natuloy ang konsiyerto ng OPM band na Cup of Joe sa Qatar noong Pebrero 14 dahil sa kakulangan ng kinakailangang permit mula sa lokal na event producer.

Ayon sa VIVA Records at VIVA Live, walang natanggap na kita ang banda mula sa ticket sales at responsibilidad ng organizer ang pagproseso ng mga dokumento. Umaasa ang grupo na makapagtatanghal sa Qatar sa hinaharap sa ilalim ng kumpletong pahintulot.

Samantala, naging laman ng social media si Gian ng banda matapos lumabas ang mga larawan nila ni Maris Racal, at kalaunan ay nakumpirmang kasama siya sa music video ng kantang “Sino Ang Tanga.”