-- ADVERTISEMENT --

Naghahanda ang pamahalaan ng dalawang charter flight upang maiuwi sa Pilipinas ang mga overseas Filipino workers na naapektuhan ng tensyon sa Middle East.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakahanda ang gobyerno na tulungan ang mga Pilipinong nais umuwi sa bansa. Isang charter flight ang nakatakdang umalis mula Riyadh para sa mga OFW sa Saudi Arabia, Kuwait at Bahrain, habang isa pa ang aalis mula Fujairah sa United Arab Emirates para sa mga manggagaling sa Dubai.

Target na umalis ang flight mula Fujairah sa Marso 13 at inaasahang darating sa Maynila sa gabi ng parehong araw o madaling araw ng Marso 14.

Makikipagtulungan sa repatriation operations ang Department of National Defense at Civil Aviation Authority of the Philippines, habang inaasahang tutungo sa Dubai si Hans Leo Cacdac upang pangasiwaan ang tulong sa mga OFW.