Dumalo si dating senador Ramon Revilla Jr. sa Department of Justice (DOJ) upang magsumite ng counter-affidavit kaugnay ng preliminary investigation sa mga reklamong may kinalaman sa umano’y ghost flood control projects.
Nahaharap siya sa mga kasong plunder, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, direktang panunuhol, pagtanggap ng regalo ng opisyal ng gobyerno, at katiwalian ng mga opisyal ng publiko, matapos tumestigo ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa umano’y kickback na umaabot sa daan-daang milyong piso.
Inatasan ng DOJ ang tatlong state witness na magsumite ng affidavit at kumuha ng certificate of materiality bago sila ma-discharge sa kaso. Nakatakda ang susunod na pagdinig sa Pebrero 20. Nagtipon din ang ilang tagasuporta ni Revilla sa labas ng DOJ habang isinasagawa ang pagdinig.












