Dumating sa Cairo, Egypt ang delegasyon ng Hamas na pinamumunuan ni Khalil al-Hayya, upang makipagpulong sa mga Egyptian mediator hinggil sa posibleng kasunduan sa tigil-putukan.
Ito ay kasabay ng pagpapatuloy ng phased occupation strategy ng Israel na inaprubahan ng kanilang security cabinet noong nakaraang linggo.
Ayon sa plano ng Israel, ang unang yugto ay ang pagpapalikas ng humigit-kumulang isang milyong residente mula Gaza City patimog, pag-ikot sa lungsod, at pagsalakay sa mga tirahan.
Susundan ito ng pagkuha sa mga central refugee camp na malubha nang naapektuhan ng digmaan.
Sinabi ni Egyptian Foreign Minister Badr Abdelatty na nakikipag-ugnayan ang Cairo sa Qatar at US upang makamit ang komprehensibong kasunduan na magpapatigil sa digmaan at magbunga ng ganap na kasunduan sa pagitan ng Israel at Hamas.