-- ADVERTISEMENT --

Ipinagpapatuloy ang pagbabakuna laban sa tigdas at rubella matapos maitala ang mababang antas ng pagbabakuna sa ilang rehiyon sa Mindanao. Mahigit isang milyong bata na ang nabakunahan sa buong bansa, ngunit nasa 1.7 milyon pa ang nangangailangan ng proteksiyon, karamihan ay mula sa Mindanao.

Batay sa ulat noong Enero 19–25, ang mga rehiyon ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay may vaccination coverage na 30 hanggang 50 porsiyento. Pinakamababa ang naitala sa BARMM na 30 porsiyento, habang nananatiling libo-libong bata sa bawat rehiyon ang hindi pa nababakunahan.

Sinusuportahan ng mga lider panrelihiyon ang kampanya bilang mahalagang hakbang sa pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga bata.