-- ADVERTISEMENT --

HEALTH News — Nagbabala ang Department of Health (DOH) laban sa mga scammer at nagpapanggap na fixer na umano’y sangkot sa Zero-Balance Billing (ZBB) program. Ayon sa DOH, walang fixer na kasama sa proseso at pinayuhang makipag-ugnayan lamang sa billing section ng DOH hospitals ang publiko.

Nilinaw ng ahensya na hindi sila nagpapadala ng text message ukol sa programa. Mahigit 2,000 pasyente na ang nakinabang sa ZBB sa East Avenue Medical Center mula nang ianunsyo ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA.

Layunin ng ZBB na mapalabas ang kwalipikadong pasyente sa mga pampublikong ospital nang walang kailangang bayaran para sa mga sakop na serbisyo. Tiniyak ng DOH ang proteksyon sa pasyente at transparency sa billing, habang nananawagan sa publiko na agad i-report ang mga kahina-hinalang indibidwal na nag-aalok ng tulong sa ilalim ng programa.