-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala ang Department of Health–Metro Manila Center for Health Development sa publiko na magpasuri agad laban sa tuberculosis kasabay ng World TB Day.

Naitala ang mahigit 101,000 kaso ng TB sa NCR hanggang Pebrero 16, kaya pinaigting ang kampanya sa maagang pagtuklas, gamutan, at pag-iwas.

Hinikayat ang mga may sintomas na agad magpakonsulta sa health centers na nag-aalok ng libreng pagsusuri at paggamot.

Mahigit 3.1 milyong indibidwal na ang nasuri noong 2025, habang patuloy ang pagpapalawak ng screening at preventive treatment para sa high-risk groups sa tulong ng mga lokal na pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --